grabe! summer na summer na summer na talaga! feel na feel ko na yung araw!ang sakit sa balat aaarrrrrrrrghhh~ ayakong ayako talaga ng summer grr ~_~ kahit di ako makapagswimming kahit kailan basta wala nalang summer! pag ganito ang panahon gusto ko na layasan ang pilipinas sooooobra~
hehehe tagal ko na namang nawala noh? XD~ sabe senyo tinatamad na aq eh.. ehehe pakibatukan nga ako XD~ ayos naman yung photoshop ko dito, pero inde ako gumagawa ng layout XD~ bambulok na talaga dito~ sori po readers (as if meron

) o sige, kahit walang nagbabasa, isusulat ko paren ang lahat ng memorable na nagyare saken nung mga nakaraang araw...
monday. nagpasama sakin si carol pumunta ng ateneo at up manila.. syempre pumayag ako, sa isang kondisyon, sasamahan nya ako sa salon XD~ kaya eto ako ngaun at istreyt na naman ang buhok XD~ ewan ko ba bangtagal ng ginawa saken.. feeling ko nga nakalimutan na ako nung bading eh.. kundi pa dumating yung isang babae dun, malamang nabagot na kame pareho. eto ang eksena..
gurl: (pumasok sa salon, may kausap sa celfon. naupo sa tapat ko sabay nagpa foot spa.) "hello? oh yeah! like, you know.. no its ok. oh my gosh my schedule naman!" (and something like that language i don't know XD~)
carol and me: nagtitinginan @_@
gurl: (may kinuha sa bag) "ay ano ba yan nagriring na lahat ng cellphone ko." (sinagot ang fone) "oh yeah karen wazzup? no, no, i like japanese food. nooooooooo~ hindi pwede sa schedule ko. o basta bahala ka na ok? oo na, o sige sige na karen, i'm in the phone with someone else bye!"
next scene, binanlawanan na ako nung bakla..
bakla: ang arte nung girl noh?
me: aaahh ung nagpapa footspa? (tawa)
bakla: oo. feeling beauty e hindi naman.
me: (nakikiride)
bakla: (chinika na lagi daw madaming dalang celfon, na parang mayabang yata ang dating sa kanya chu chu...)
to cut the long story short, natapos din ang lahat ng kabaklaan at niresetahan nya ako ng no banlaw for 3 days at dalawang creamsilk na blue. direcho agad kame ni carol sa ateneo.. walah nilakad namin hanggang gate 2 dyusko summer init! buti nalang mei tricycle dun, kala ko wlang nagga-ganun dun eh XD~
so punta na kame up manila.. sumakay kami sa lrt-violet (ung maganda-ganda) sarap itulak sa riles nung magshotang naglalambunchingan sa likod namin! literal na nagkakapalit na sila ng mukha ~_~ tapos pagbaba namin sa cubao station, nashock ako! hindi nia ung bulok na bold-movie-theatre ang nilabasan namin kundi gateway mall! aba shoshal XD~pero syempre no time magmall kelangang diredirecho.. nagstick ako dun sa rutang alam ko papunta sa mrt-blue.. walah nagpaikot ikto lang pala kame ni carol eh ayun lang pala ung daan sa nilabasan namen! kasalanan ito ng gateway grrrrrrrrrr~~~
pagdating namin dun sa lrt-yellow(bulok), sabi samin nung mama sa pedro gil daw kame bumaba kahit sabi nung dadi ni carol sa UN, so sinunod namin ung mama.. un pala ang malapit sa pedro gil, ung campus! e ung kelangan namin registrar! so lakad lakad sabi ni mamang guard, sa padre faura, katapat daw ng robinson.. isa pang katangahan, sumakay kami ng pedicab (20php isa) para makarating sa padre faura.. e un naman pala, sa kabilang dulo lang ng robinson un na walking distance! grr sayang na pera ampf~ inshort, nasakyan namen ang tatlong tren sa isang araw at seryosa, napagod ako don XD~
2nd adventure.. kanina bacalaureate mass namin.. dapat dun kami sa auditorium pero biglang pumutok ung fuse, walang kuryente! so no choice kundi lumpita sa gym na mainit na naman grr~ after nun, sabi ko wala akong pupuntahan, so sumama ako sa mga kaklase ko sa up los banos XD~ silang lahat may pamalit, ako lang ung nakaheels XD~ nagjaywalking pa kami kasi tinamad na kami sa pagakyat ng overpass.. kinakabahan kami kaya tumakbo kami lolz XD~ ung heels ko 3inches naitakbo ko bigla tuloy XD~
pagkatapos nilang tapusin ang lahat sa uplb, pumunta kami sa office ng tatay ni abbey.. akala ko kung saan o anong trabaho nya.. un pala sa
UGEC (United Graphics Expression Corporation) na sooobrang astig! grabeng dun ko nakita ang katuparan ng mga pangarap ko XD~ una naming pinuntahan ung creative department.. tapos nakita ko gumagawa sila ng brochure ng avon, kahon ng UCare, label ng alak, flyers, posters, etc.. grabeng advertising talaga! pati ung mga wrappers ng ice cream, seal ng ginebra, selecta, coke, etc. dun pala ginagawa! grabe asteeeeeeeg!! kulit ako ng kulit kung pwede mag ojt sa creative department XD~ hehehe ung kase pangarap kong trabaho.. gusto ko nga magtrabaho sa candy mag eh.. ako maglalayout ng bawat page! saya non! syempre gusto ko ring magdesing ng malalaking billboards ehehe XD~ kaya lang ako nagdalawang isip sa advertising kasi indi naman ako marunong magdrawing.. hanggang photoshop lang ako ampf~ ehehehe basta balang araw matutupad ko yan~ ^____________^
lolz gising pa ako.. graduation na bukas XD~ parang wala wala lang XD~ pero bukas wag ka siguro excited ako XD~ umiyak kaya ako? ehehe let see.. XD~